.



You Know How I Do
Wednesday, January 30, 2013

Ang daming nangyari sa akin today. Almost late for my 11am class which dapat is 9am kaso minove ng prof namin na 'di na namin prof ngayon kasi inannounce kanina na pinalitan na siya. At oo, nagbago sched ko for Wednesday. Bale, nagbotohan lang kanina kung anong oras 'yung bagong sched then uwian na agad. 11:30am to wala pang 12nn 'yung klase kanina so maaga kami naglunch. Kami at ang tropa ko
.. ay kumain sa Giligan's sa may GreenBelt5. Nagtipon-tipon kami dahil birthday ng isa sa mga tropa namin na nanlibre ng mga kinaen namin. Belated happy birthday nga pala ulit kay Nate(siya 'yung nakacheckered). Salamat sa paglibre! Hahahaha.

Nga pala, share ko lang. Dahil tipid mode ako starting today, ang baon ko lang kanina ay 250php at hindi ako nakapagbreakfast. So super sakto itong panlilibre ni Nate dahil mas nakatipid ako plus 'yung merienda ko naman ay kina Monica, friend kong Business Advertising ang course. Anywaaaaay, ang swerte ko lang talaga today. Sa 250php na 'yun, nakatipid pa ako ng more than 50php! Hahaha! Sa friday, gagawin kong 300php lang baon ko at pagkakasyahin ko 'yun. Kaya ko ito! Go Apol! :)) At madami ang nagtetext sa akin .. Both PM and GM. Wala lang, share ko lang din ulit. Haha. 
0 Comments:Post a Comment



Para kanino ka bumabangon?
Tuesday, January 22, 2013

Ako, para sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit nakakayanan ko ang bawat pagsubok ng buhay. Patuloy akong bumabangon para sa kanila. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sila ang pamilyang ibinigay sa akin. 'Di man perpekto pero sapat na para sa isang tulad ko. Madami din pagkukulang ang pamilya ko pero 'di iyon naging dahilan para 'di kami maging masaya. Nabubuo kami dahil pinupunan ng bawat isa ang pagkukulang na 'yun at dahil 'dun tumitibay ang aming samahan.

Madami ang naiingget sa amin dahil mayroon kaming napakasolid na bond ng aking pamilya. At swerte lang talaga siguro ako dahil binigyan ako ni Lord ng isang maunawaing pamilya at napakasupportive.

At nakakatuwa dahil makikita sa mga piktyur kung gaano kami ka-united. Kita naman sa aming mga suot, 'diba? Pit Senyor! :)


Published with Blogger-droid v2.0.9
0 Comments:Post a Comment



Upside down.

09.21.12
Friday
Again, i wasn't able to take outfit photo this morning because i woke up at 8am na and I have to get ready for about an hour pa. By the way, my class starts at 9am. How great is that right? That's not the only "bad" things happened to me. The van i was riding on left me MANY blocks away from the school. So to my dismay, i had to walk pa inspite that i was late. Oh my gulay -.-" So when I arrived school at almost 10:30am, class were already dismissed! Now that's just even greater, right? Ugh. I was a bit sad that morning but as the day went, i was becoming okay. Thanks to my dearest friends, the Moostache :)

Anyway, so what else happened today? Hmm. The "good" thing happened to me today was i was able to buy myself a shoes. Yay for me! The "better" thing that happened naman was the nice one on one chitchat with Francis, one of my friends in Moostache. We talked about random things such as how is our lives right now, people who are "touchy?", our friendship and other stuff. It was a fun talk.

And the "best" thing that happened to me was that Francis was able to take an outfit photos of me! Yay! Even though it was only 2photos, i could use it narin. Hehe. Anyway, tomorrow's the concert day. Wish us goodluck!

Published with Blogger-droid v2.0.9
0 Comments:Post a Comment



Inner beauty is more important than the physical looks.
Saturday, November 17, 2012

Ayan. Ayan ang pinagsamang physical inner beauty look. Hahaha. Nainlove ka dahil sa ugali, at hindi sa itsura? Bullshit naman 'yan. Sino niloko mo? 'Yung barbero sa kanto? Si manong guard? Nako ha. Nung una mo siyang makita, inner beauty agad nagustuhan mo? Unang pagkikita?? Walang ganun mga tsong. Pero para mapagbigyan kayo, ayan na ang patunay na pwede pala na ang una mong makikita ay 'yung inner beauty niya.

P.S
Sa mga naniniwala ngang ganun, matindi ka friend! :))

Published with Blogger-droid v2.0.9
0 Comments:Post a Comment



Pinipilit.
Sunday, October 21, 2012

October 20,2012 | Day Four

Today was a "not-so-good" day for me. Nothing happened special. Just .. Plain.

Maybe because of what's happening to me right now. Too many plans, so little time. Pinipilit kong gawin ang mga bagay-bagay na mangyare kahit 'di pa naman kaya. Tsk. What's wrong with me? I'm such a perfectionist, trying to get my life in track but just happens to get worse. Ugh.

I'm keep bringing stress and pain to myself which is not good. I need to focus my energy on the positive things and try not to dwell on sadness. Yes, I may be seen as a happy person full of smiles and laughters but that's just a mask. I guess almost everybody wears it. Everyday.

But we have to eh? Or else, everyone's gonna be like "okay ka lang?" and of course, to answer with "oo, okay lang" and the lie goes on and on. We're living in a world full of mask, we just gotta have to choose to whom we gonna let them see our face.

As I repeatedly tell myself, I'm fine but not okay today. I know God has a purpose and that's what I should trust. 'Yun na lang talaga pinanghahawakan ko eh? Mga pangako Niya, na 'di Niya ako pababayaan.

Siguro, dahil nga madami pa akong 'di pwede gawin kasi nagaaral pa ako and dapat ang atupagin ay studies. Oo, minsan naiinis ako kasi ba't 'yung ibang mga tropa o pinsan ko pwede gawin ang ibang bagay tapos ako hindi? Pero ang iniisip ko na lang, dadating lang din ang panahon para sa mga ganong bagay at maeexperience ko din 'yun. Ba't kailangan magmadali at pilitin kung pwede namang mag-antay at magtiwala? :)

Published with Blogger-droid v2.0.9
0 Comments:Post a Comment



'Di lang nagreply, galit na agad?

October 19,2012 | Day Three

Dahil tinatamad ako magkwento ng pormal, babarilin ko na lang ulet.

» nagkaroon ng Fire Drill sa may Ayala
» may seminar kaming inattendan tungkol sa Visual Effects. The speaker was Sir Eric Alba.
» may nakatampuhan sa tropa kahit nagsorry na ako
» home-alone
» saw a glimpse of him
» moody ako ngayong araw. 'Di ko alam kung ano bang meron o ewan

Basta, normal na araw lang ito para sa akin. Bow.

Published with Blogger-droid v2.0.9
0 Comments:Post a Comment



Kisapmata
Thursday, October 18, 2012




October 18,2012 | Day Two
Dumating ang pinsan kong si Ate Apryll kanina, kasi magwork siya for Blessing Photography for 3days ata? Hmm. Anyway, kamusta ako today? So-so lang. May bago kaming classmate sa WorldLit. Chinito. Haha. Crush ko sana kaso may nagshare sakin about something sa kanya so ewan. Bahala na. Hahaha. Ano pa ba? Ayun, wala kaming night class today kasi absent si Sir Juno. So maaga ako nakauwe.
Grabe lang nasa utak ko ngayon, di ko maintindihan. Ba't ko nga ba patuloy sinasaktan puso ko? Tsk. Kabaliwan ko lang. Haha. Basta, tiwala lang kay Lord. May purpose ang lahat kung bakit nangyari ang lahat sa past ko. Haha. Kasi ngayon parang "pinipilit" ko mangyari ang isang bagay eh? Sakit ko na siguro 'yun. Haha. Haaay buhaaay.
Ayun, dami-dami dapat gawin, nakipagbonding pa ako sa mga tropa ko(sila 'yung sa picture). Gabi na pero tumatambay parin sa tapat ng bahay namin. Inubos din nila 'yung isang roll ng cake ko. Ayos diba? Haha. Grabe, imbes na mag3D ako, nagedit lang ako ng mga outfit post ko na isa lang ang naupload ko out of 4. Haaay. Maaga pa ako bukas kung kaya't kailangan ko na matulog. Ciao!
Published with Blogger-droid v2.0.9
0 Comments:Post a Comment



Nineteen na ako pero ang dami ko pang 'di NINETEENdihan sa mundo.
Wednesday, October 17, 2012

October 17,2012 | Day One

Hello there! I'm planning to start my 365days challenge starting today after my birthday which was yesterday. Hooraaay! So let me just share what happened yesterday sakin. Hmm.

Nung october 15,2012 palang at mga bandang gabi na ay excited na ako. Ako nagcountdown magisa e? Nakaharap sa PC, nagaabang pumatak ng 12:00am sa orasan and BOOOM! Of course, my parents were the first to greet me in person. Shi and Pao called me and Nate was the first one to text. 'Yung first naman sa fb wall post ay si Bogz. Naks. Haha. Anyway, so ayun na, sunod2 na mga text and all and walang sawang kakareply :)) Kahit na 'di ko pa narereplyan 'yung ibang posts sa fb. Dami e? Haha. Sayang, 'di ata ako nabati ni Kuya Rhadson, fave kong Tumblrista. At least nabati naman ako ni Kuya Gyno na ka-birthday ko pa, oha! Hahaha.

Tas later that day, pagkagising ko as usual puno ang inbox. Haha. Pumunta kami sa SM Dasma with our 2 kasambahays and ate at Pollo. Ang sarap ng burger nila, mura pa! After that, nag-outfit post din ako kasi okay porma ko 'nun and inimbita ko mga kababata kong tagastreet lang din namin. Eh tutal sembreak naman nila, may bisita ako. Hahaha! Wala kasi akong pasok 'nun kaya 'yun. Anyway, we had pancit bihon and palabok. Aaaand had 4 cakes for my birthday sponsored by my mom(2), jericho(1 from marta's) and ses(1). Grabe kasi si Jericho pumunta pa ng bahay para lang ibigay 'yung cake. Define effort diba? Haha. Nasurprise talaga ako eh? Gabi nadin kasi 'nun. Also had a big chocolate from Shi and artworks from my close friends (special mention si Bie & Mara, kasi sobra effort nila) Btw, may bago na akong scent, 'di na Pure Seduction ng VS. Haha. Mas amoy baby, i guess. Basta amoy pulbo. Haha. 19 na daw kasi, bago naman daw dapat. At usapang bago, may bago din akong nakakausap ngayon :"> Haha. Basta 'yun na 'yun. Anyhoo, may bago din akong nalaman na sakayan from Makati to Paliparan and mas okay siya kasi wala gaanong pila, malapit pa sa school! Odiba, how cool is that? At dahil tinatamad na ako magtype, babaril na lang ako tungkol sa mga nangyare sakin today.

» paggising ko kanina, nakakatamad kasi may makeup class kami ng 5pm eh gusto ko maging maaga para magawa ko 'yung 3D ko na isa lang naman natapos ko
» ang daming nakaen ngayon na halos masuka na ako sa pagkabusog
» nasigawan kami ng prof kanina kasi paulet-ulet mga tanong
» DI AKO LATE
» umuwi na 'yung isa naming kasambahay sa probinsya (sana bumalik)
» ngayon na lang din ako bumyahe papuntang Makati via Baclaran. As usual, hassle ule
» nasira USB ko kaya may bagong USB na ule ako. Almost one year na din 'yung luma ko

Ayun, that's it. And I'm glad nakapagblog ulet ako. Haha. Osya, bukas ulet. Ciao!

P.S.
Kahapon lang 'yung birthday na wala akong kaplano-plano pero halos kulang ang oras sa daming ginawa.

Published with Blogger-droid v2.0.9
0 Comments:Post a Comment





<< Older posts



the blogger




A nineteen year-old kiddo, and ready to conquer the world ... want more?


You're so busy making masks



So many things I'd say, if I were able to

You Know How I Do
Para kanino ka bumabangon?
Upside down.
Inner beauty is more important than the physical looks.
Pinipilit.
'Di lang nagreply, galit na agad?
Kisapmata
Nineteen na ako pero ang dami ko pang 'di NINETEENdihan sa mundo.


You've got the talking down


So let me thank you for your time


template by s.m!sery.
resources: x x x x x
 
ALL CONTENT COPYRIGHT OF RACHEL VILLALUNA 2007. ALL RIGHTS RESERVED.