.



PUPPY LOVE . ♥
Monday, June 1, 2009

Monday June 1,2009 --Puppy Love from MoyMoyPalaboy


Yeah madalas tayo unang naiinlab pag high skul, yung mga naiinlab na agad ng elementary pa lang ay may mataas na chance na maaga magkakaanak.. hahhaha

Ano ba pakiramdam pag unang beses ka mainlab ? Actually pupply love lang pala ito, Sa panahong ito nauuso ang word na "crush".

Eto yung time na..

♥Ganado ka na pumasok kasi gusto mo sya lagi makita.
♥ Pag gabi di ka makatulog kasi naiisip mo sya.
♥ Lagi mo sya kinukulit sa text, gusto mo lagi kayo magkausap sa phone, telebabad.
♥Natututo na mag ayos sa sarili ang boy, nagje gel na, nagpapabango and nagpupulbo pa sa muka (foundation day) para good looking kay crush.
♥ Kung sobra pa eh di makakain, di makapag aral ng mabuti kakaisip sa kanya.
♥Nagcucutting class para makita ang crush sa gym, Dadaan sa room ng crush na kunwari naglalakad lang pero wala naman talagang pupuntahan dadaan lang para magpakyut and makita si crush ^_^
♥Yung iba naman inaasar asar mo ang crush mo para mapansin ka niya pag sinabihan ka ng friends mo na "woooo may gusto ka dyan eh" super deny ka naman at lalaitin mo pa siya like "di ah! ako magkakagusto dyan? yuck!".
♥Pag nalaman ng barkada or classmate mo na may ibang crush ang crush mo, aasarin ka ng barkada mo at kakantahan ka ng "selos ka lang diba...." (in the tune of cherish the love we had...).
♥Meron pang nagsusulatan na gamit ang mga magagarang stationary, kahit sablay sablay na minsan sa ingles bigay pa din kay crush at nagbabakasakali, natatawa din ako dahil madalas may nababasa akong "sige na i have to park my pen na, take care!" -ipapark pa, saan? sa garahe? wahahahha....
♥Tsaka, oo nga pala ! meron pang "smile before you open".
♥Yung iba naman iiwanan ka ng letter bigla sa bag nang di mo nalalaman, tapos ang nakalagay, from anonymous. Diba pa-mystery effect din? heheheh
♥Meron pa bang f.l.a.m.e.s. or h.o.p.e. ngayon? naalala ko lang din, Yun yung isusulat sa paper yung name mo and ng crush mo tapos titignan yung compatibility niyo...
♥ May naalala din ako noon na nilalagay ko ung name ng crush ko sa notebook, di ko alam kung bakit, basta feel ko lang isulat dun sa notebook name niya, pag sinipag lettering with design talaga ^_^
♥Ayun nagkalakas na ng loob si boy, Umamin na si boy at nag ask na kay girl kung pwede ba manligaw? Yun yung pinaka unang kilig moment diba? ahihihiih...
♥Si girl naman syempre konting pakipot papatagalin ang panliligaw pero alam na kung kelan sasagutin para maganda number heheheh...
♥tapos yung name nila at yung number kung kelan naging sila yun yung name ng labtim nila for example: Emil and Mila = Emila21.. Naks gumaganon diba? uso pa din ata yun til now...
♥Dyan mo na makikita yung bitbit ni boy yung bag ni girl susunduin or sabay uuwi, yiheeeee!!! magkasabay sa jeep, nakaakbay at sweet na nakasakay sa jeep or tricycle kulang na lang langgamin hihihihih...
♥Sa kabilang banda, may nangyayari talagang ang nakakatuluyan pa ay yung tulay diba? minsan nadedevelop kay bestfriend.. ouch! hahahhaha.. Nauuso din ang S.O. noon (Secret On). showbiz!!
♥Pag ang dalawang magjowa na nagbreak (mag ex) nagkasama sa isang pangyayari.. aasarin nanaman ng barkada at kakantahan ng "Muliiiiing ibaliiiiik ang tamiiiiss ng pag-ibig" yun yung kinakanta namin noon eh di ko lang alam kung ginagawa pa din ito o baka ibang song na hehehe.. ah oo meron pa pala yung "bakit di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan"
♥Dalawa klase ng love sa high skul, yung isa is early stage, tinatawag din nilang infatuation? eto yung love dahil nadadala ka lang sa agos ng panahon na super like mo sya na akala mo love na pero isang matinding paghanga lang pala. And u enjoy ur kilig moments, tweetums...
♥ Yung pangalawa naman ay ang bad side, eto ang kinakatakutan ng mga magulang, Eto ung stage ng pagkapusok, Sa stage kasi na iyon nagiging mapusok ang nagbibinata at naeengganyo gawin ang di pa dapat, minsan dahil na rin sa impluwensya ng mga tao sa paligid, kaya payo ko lang lalo na sa babae, mag iingat. Sa highskul meron talagang di nakakagraduate or grumagraduate ng buntis. share ko lang.
♥Napakasarap ng feeling ng mainlab lalo na kung batang bata pa tayo, inosente at fresh na fresh pa hihihhi...
♥Kaya kung magmamahal tayo make sure na merong effort, time, respect and syempre trust para maging matatag ang pagsasama.
♥ Iba pa rin syempre pag may nag aalala, nag aalaga, nagseselos at naglalambing sayo. haaayyssss kakamiss... mapilit kasi eh sinabi na ayaw kng topic ang love! di ako makarelate talaga! hahahahhahahah
*wink!

"Love Love pa wala na nga makain"
-roadfill
1 Comments:Post a Comment

hahaha!love ittt APOL!

pero oo nga naman.
love love pa wala na ngang makain!hmp.haha

By Blogger nadinelindo, at June 1, 2009 at 3:41 AM  






<< Older posts
Newer posts >>



the blogger




A nineteen year-old kiddo, and ready to conquer the world ... want more?


You're so busy making masks



So many things I'd say, if I were able to

PUPPY LOVE . ♥


You've got the talking down


So let me thank you for your time


template by s.m!sery.
resources: x x x x x
 
ALL CONTENT COPYRIGHT OF RACHEL VILLALUNA 2007. ALL RIGHTS RESERVED.