.
A Lot Has Happened ..
Saturday, August 8, 2009Saturday August 8, 2009 --HAPPY BIRTHDAY DALE !!
This week, a lot has REALLY happened. especially YESTERDAY( August 7, 2009)
what are those?
♥we have lots and lots of exams -- FILIPINO and COMPUTER.
♥a conflict with BESPREN, again ..
♥the issue with LOUELLA.
♥deadline of PROJECTS -- Physics and Economics
♥Volleyball Issues
♥President Cory Aquino's Death
so regarding all of this, imma elaborate.
yung sa exam namen sa FIlipino ay grrabeh ang HIRAP. kasi we're supposed to make kwentu about the different theories of panitikan. yung bang Klasisismo, Romantisismo, Realismo and Naturalismo. the duaration of our exam is one week. nung monday Klasisismo, nung tuesday Romantisismo. and guees what kung ano yung kwentu ko sa Romantisismo? HAHAAH ! syempre yung kina BESPEN. HAHAHA ! ang bilis kong natapos kasi .. INSPIRED? di rin. AHAHAH ! ayun, pero somewhat medyo tragic yung ginawa ko sa dulo. basta, kung ano yung nangyayare samen ganun yung nilagay ko. sige, kwentu ku na para mahaba tong post ku. HAHAHA ! this is MY STORY sa Filipino exam namen. topic: ROMANTISISMO. (meaning, na ito ay lubos-lubos; walang batayan at punong-puno ng ibigan.)
INTRODUCTION:May dalawang magkaibigan na ang pangalan ay LOPA and ISH. silang dalawa ay magkaibigang hindi mapaghiwalay. lagi silang magkasama at laging nagdadamayan. halos lagi nilang saby ginagawa ang mga bagay-bagay; kumaen, pumunta sa skul at miski matulog ay sabay sila.PROBLEM:isang araw, nagmamadaling umuwi si LOPA upang kausapin si ISH dahil hindi it pumasok at may nabalitaan si LOPA tungkol kay ISH. " ISH ! ISH ! totoo bang lilipat ka na ng ibang baryo??" alalang tanong ni LOPA. " oo LOPA ee. patawarin mo ako kung hindi ko sayo nasabi. ayaw ku kasing umiyak ka .." " bakit naman?, babalik ka pa naman dito diba? " " oo naman, PANGAKO.." at nagyakapan ang magkaibigan. matagal ang pagkakayakap ni LOPA kay ISH na para bang hindi na ito magpapakita sa kanya lahit kailan ..BODY:Nagdaan ang ilang taon at nakapagtapos na ng pag-aaral si LOPA ngunit wala pa rin siyang balita kay ISH. at dahil ito'y kanyang namimiss, pumunta siya sa kanilang hide-out nung sila'y bata pa. hinalungkat lahat ni LOPA ng lahat ng alala ni ISH sa kanya. Nakita niya ang stuff toy na unang regalo ni ISH sa kanya; ang mga sulat niya para rito, ang pictures ng mga laro nila at marami pang iba. at nang binabasa na niya ang librong kanilang paboritong basahin pagkagaling nila sa eskwelahan.. at nang nasa may bandang gitna na siya ng kanyang binabasa, siya'y may nakitang isang sobre at ito'y nakapangalan para sa kanya .. ito'y kanyang binuksan at binasa. Nakalahad dun na hindi na makakabalik si ISH sa kanilang baryo sapagkat ang kanyang tatay ay dun na magtratrabaho sa kabilang baryo. nakalaad din doon na ang pasasalamat at paghingi ng paumanhin ni ISH kay LOPA dahil hindi ito nakapagpaalam sa kanya kasi ayaw niyang makitang umiiyak ito. pinagpatuloy niya ang pagbabasa at lalo siyang nalungkot ng mabasa niya ang mga katagang "MAHAL na MAHAL kita LOPA kahit nung mga bata pa tayo .." napaluha si LOPA sapagkat hindi man lang niya nasabi kay ISH ang kanyang lihim na pagmamahal rito. kaya pinuntahan ni LOPA si ISH kahit hindi siya pinayagan ng kanyang mga magulang sapagkat siya ay nag-aaral pa ng kolehiyo. pero sinuway ito ni LOPA at pinuntahan ang baryo kung saan nakatira si ISH.CLIMAX:nang makarating si LOPA sa lugar na iyon, siya ay nagtanong tanong kung nakikilala nila ang batang nasa picture. at ng may nagturo sa kanya kung saan ito nakatira, siya ay nabigla at nalungkot ng nakita niya si ISH na may kahawak na ibang babae. Napatulala lamang ito at nang mapansin ni ISH na may nakatingin sa kanila ay agad itong umiwas ng tingin. hindi mapakali si ISH at para bang kilala niya ang babaeng nakatitig sa kanila ng kanyang nobya. at ng maalala nito si LOPA, agad niyang pinuntahan at sila ay nag-usap. " LOPA? ikaw ba yan?" tanong ni ISH sa babaeng nakaupo bandang dulo ng court na pinaglalaruan niya. "oo ISH, ako na nga ito.." malungkot na sagot ni LOPA. agad na niyakap ni ISH si LOPA dahil sa pagkasabik na nakita niya muli ang kanyang bespren. tinulak ni LOPA papalayo si ISH at nagtanong, " bakit hindi mo sakin sinabi?! BAKIT?!" galit na tanong ni LOPA kay ISH. nagtaka si ISH kung ba't ganun ang tono ng boses ni LOPA.. at bigla niyang naalala ang sulat na kanyang iniwan nung sila ay mga bata pa. " nabasa mo na pala.." " OO!! at ngayon ko lang nalaman na ganun pala?! bakir di mo sakin agad sinabi?! para naman kahit papaanu ay nasabi ko rin sayo nuon ang aking nararamdaman.." " natakot ako LOPA sa mga maaaring mangyari, baka mapawalang bahala ang ating pagkakaibigan dahil sa aking nararamdaman para sa iyo kaya ito ay prinotektahan ku paara kahit papaanu, tayo ay hindi magkakaroon ng ilangan .." " naiintindihan ku yun ISH .." at biglang lumapit ang nobya ni ISH. napatahimik silang dalawa at ipinakilala ni ISH ang babae, " siya nga pla, Si TALA. Nobya ko.." di nakapagsalita si LOPA at tumango na lamang ito .. binigay ang sadya nito rito at saka umalis. " ano ba yan, wala man lang galang .. " sabi ni TALA kay ISH.ENDING:Binuksan ni ISH ang kahon na ibinigay ni LOPA sa kanya bago ito umalis. nakalagay duon lahat ng alala ng sila'y mga bata pa. nakalagay din duon ang sulat ni LOPA para sa kanya.. ang sabi roon ay, " ISH, pasensya ka na kung akala mong ikaw ay aking iiwanan or lalayuan sa araw na ika'y umamin sakin. nagulat ako ng nabasa ku yung sulat mo na iyon at ako'y hindi makapaniwalang ganun pala ang nararamdaman mo para sakin. ako din ay may lihim na pagtingin sayo ngunit ako ay takot din sa mga maaaring mangyari kapag ako ay umamin. at eto, ito ang patunay na ika'y aking iniibig din mula dati pa. ika'y laging nasa aking isip sapagkat ako ay naghihintay sa iyong pagbalik. pasensya ka na rin kung biglaang bumisita ako sa baryo niyo, gusto lang kita makita at kung ano na ang lagay mo diyan. Sana nga ay maayos ang buhay mo dian, at maging masaya ka sa lahat ng desisyon na iyong gagawin. ako ay maghihintay pa rin sa iyong pagbabalik dito sa ating baryo at sana'y bumalik ang dating nating samahan." napaluha si ISH at ibanaba ang sulat na kanyang binabasa at tumingin sa labas habang iniisip kung paano niya agad na lamang nakalimutan ang lahat habang si LOPA ay patuloy pa lang naghihintay para sa kanyang muling PAGBALIK ..
bitin yung story noh? HAHAAH ! sinadya ko iyon para makapagisip yung magbabasa. HAHAH ! galing ko noh? :P HHAAH ! anyways, after nung tuesday, wala kaming pasok nung wednesday kasi ililibing na siPresident CORY AQUINO. LONG LIVE PRESIDENT CORY!! nagpractice kami para saBIGKASADULAWIT at nagkaroon ng maliit na salu-salu sa PIZZA HUT SM MOLINO dahil birthday ni Angela. nilibre niya lahat ng pumunta at kami'y nagsaya. HAHAHA ! super grrabeh yung day na yun, kahit hindi si Bespren nagparamdam sakin that day, at least nakayanan kong maging masaya .. kahit medyo nalulungkot ako dahil natiis niya ko. nung thursday, balik sa normal ule. classes na naman pero kami'y nagkaroon ng EXAM sa computer. ayos naman siya, medyo madali pero feeling ko madami akong mali. HAHAHA ! at nang friday na ang dumating .. HAHAHA !
dami nangyari kahapon, nagmcdo kasi kaming Volleyball Girls, prang bonding-bonding lang tas ng pauwi na sina Cami ay nakita nila si ED JASON CADA !! yung lost lovelife ni Cami. HAHAHA ! tagal nilang hindi nagkita tas biglang sa mcdo tas that day pa kung saan nagkwekwentuhan kami tungkol sa LOVELIFE !! odiba? super FATE ng magkita sila .. haaay. ang galing ni GOD. tas nung gabing iyon din ay nagparamdam sakin si JOSHUA ISAAC SUAVERDEZ na nagkaroon ng damdamin para sakin. (hala, nagiging makata na ba ako? HAHAHA !) nabigla ako dahil bigla xang nagpiem sakin sa YM. HAHAHA ! nagulat ako. tas ng araw ding iyon, puro 16 yung nakikita kong number. nagsimula yun nung Calculus namen, pinsolve ako ni maam sa board ata ng sagot dun ay -16;ang suot ku pang jersey nun ay yung freshmen kong jersey which is jersey #16; nung pauwe na ako galing mcdo, nung nasa may stoplight na kami, may nakaharap samin na tricycle na may plate number na 016;at ang pinakahuli ay nung magbubura na ako ng dialed calls ko sa cellphone, nakalagay dun ' delete all 16 contacs?' .. odiba? supr GRRABEH tlga kahapon. di ku maintindihan kung sign ba yun ni GOD or plainly FATE lang?aaarrrggghh !! X( nakakalokang araw tlga kahapon ..
ngayon, puro lang ako ayos ng profiles sa FS, FB at blogspot habang antay kay bespren na muka namang hindi magoOL ngayong araw.di pa talaga siya sakin ngrereply, soo TIIS lang ako. wala naman akong magagawa kung wala siya sa bahay or ayaw niya akong replyan, dibaa? kaya HINTAY lang ako.

I'll be waiting.. I PROMISE.
<< Older posts
Newer posts >>
the blogger

A nineteen year-old kiddo, and ready to conquer the world ... want more?
You're so busy making masks
So many things I'd say, if I were able to
You've got the talking down
So let me thank you for your time

ALL CONTENT COPYRIGHT OF RACHEL VILLALUNA 2007. ALL RIGHTS RESERVED.