.



Fight for what you love.
Friday, June 1, 2012



He asked God to give him signs if he should let go or not .. And God gave him "let go" signs. Ewan, siguro totoo nga na dapat na siya maglet go sakin kasi puro paulit-ulit na lang yung away, panay pilit ako sa kanya magworkout, todo demand ako sa kanya ng mga bagay-bagay .. Pero diba kung titimbangin, mas madaming signs yung magHOLD ON pa kami sa isa't-isa at wag sumuko. Yun talaga yung iniisip ko ngayon. Maging NEGATIVE na siya and all, di pa rin ako susuko. I know kung bakit nagmamatigas siya sakin ngayon, kasi nasaktan siya. Sobrang kinimkim niya lahat kaya nung sumabog, ang hirap ibalik nung dati.

Kanina habang papauwe ako galing laro, I was thinking na siguro nga dapat bigyan ko na muna talaga siya ng space pero may nagsabi sakin na "pero that doesn't mean you should cut off yung communication.." Yan. Ituloy ko padin daw yung pagtetext but wag daw yung masyadong flood. Balak ko starting tomorrow, I'll move forward with my life na rin. Gaya ng ginagawa niya, I'll continue life maybe without him, sa ngayon. Nakipagusap ako kay God kanina sa chapel, grabe, di pa nga ako nagsasalita sa kanya, umiyak na ako. Haha. Ang weak ko lang. Pero wala eh, siguro namiss ko lang din talaga makipagusap sa kanya, mga almost 30mins ata kaming magkausap, nagkwekwentuhan. Sarap sa feeling ng nilalabas mo mga sakit na nararamdaman mo sa Kanya. Ayun, I prayed na sana magkaayos pa kami in time, na sana marealize niya na para padin kami sa isa't-isa. I told God na sana mawala sa mentality niya yung kapag bumalik pa siya sakin eh magiging masaya pa ba siya. Gusto ko man tanungin siya na, sa iba ba sasaya ka? Kaso baka masaktan lang ako dahil nagmamatigas nga siya ngayon.

"Siguro, baka, ewan .." Yan yung mga sagot niya sakin kahapon nung nagusap kami. Ginawa ko na lahat para mapaamo puso niya pero wala padin. That time nga gusto ko na din gumive up kasi sobrang nakakahiya na ginawa ko and nahihirapan na ako. Pero nakipagusap ako kay God, nakipagdeal ako sa Kanya na if yung takdang oras na ay hindi pa din kami nabalik sa dati, i will let him go. Medyo matagal2 pa naman yung deadline pero siguro makakapagheal na kami nun pareho and siguro by that time, kami na ule. Well, ito po lamang ay wish at wild guess pa lang pero syempre, 50-50 lang ako. Kasi baka sa sobra akong umasa na magkakaayos pa kami, eh di na pala siya bumalik sa akin.

Sa ngayon, madami akong naiisip na gawin para icontinue yung life ko ng hindi puro drama na lang. Gaya ng magconcentrate sa pagaaral(kahit na alam kong medyo mahihirapan ako sa katergoryang ito dahil SIYA ang inspirasyon ko sa pagaaral), mas maging close sa tropa ko .. Mas makikibonding ako sa kanila ngayon, aayusin ko sarili ko. Di ko ilululong sarili ko sa kalungkutan na wala na siya. Oo, open parin ako sa possibilities na baka may iba din na dumating sa buhay ko/niya, pero hangga't di natatapos yung deadline, aasa at aasa padin ako na magbabalik ang aming pagiibigan sa isa't-isa.

Di ko alam kung kahit minsan sa isang araw sa panahong nagmamatigas siya sakin, kung naiisip pa ba niya ako, kung naaalala pa rin ba niya ako. Well, siguro ngayon, wala na talaga siya paki sakin pero alam ko sa loob-looban ko, hindi nagmamatigas lang yan, bibigay din yan dahil mahal niya ako. Oo, sabihin niyo ng desperada ako pero hangga't di niya sakin nasasabi ng harapan na ayaw na niya talaga sakin bumalik, iisipin ko pa rin na mahal na mahal niya pa rin ako. Kelangan niya lang ng breather para sa mga sunod-sunod na mga nangyare.


And para kay God, and as I always pray, I surrender everything in Your hands.
0 Comments:Post a Comment





<< Older posts
Newer posts >>



the blogger




A nineteen year-old kiddo, and ready to conquer the world ... want more?


You're so busy making masks



So many things I'd say, if I were able to

Fight for what you love.


You've got the talking down


So let me thank you for your time


template by s.m!sery.
resources: x x x x x
 
ALL CONTENT COPYRIGHT OF RACHEL VILLALUNA 2007. ALL RIGHTS RESERVED.